Naisipan ng grupo naming gamitin ang blog upang iparating sa inyo
ang masasamang epekto ng sigarilyo sa ating kalusugan at maging sa mga taon
nakapaligid sa atin. Nais naming magbigay ng mga karagdagang impormasyon
tungkol sa sigarilyo at sa maaaring idulot nito, maging ang mga edad kung saan
kadalasang nagsisimula lalo na ang kabataan sa paggamit ng yosi.
Ito rin ang naisip naming paraan upang kahit
papaano ay mabawasan ang walang humpay na pagtaas ng demand sa sigarilyo.
Ginagawa namin ito hindi para mawalan ng trabaho ang ilan sa ating mga
kababayan ngunit upang ipabatid sa inyo kung gaanong kahalaga ang makontrol ang
lumalaking demand ng masa sa sigarilyo, lalo na't isa itong gateway
drug.
Umaasa ang aming
grupo na kami ay inyong susuportahan. Kaya mula sa aming grupo; Judy Ann
Santos, Micah Abala, Marc Cabagui, Camille Hernandez, Betsy Ribaya, John Miguel
Ga, Francehska Maceda at ako, Maryle Sanchez, kami ay umaasang kasama namin kayo sa pagsigaw ng
#SayNoToYosi!
By: Maryle Sanchez
No comments:
Post a Comment