Alam nating lahat na
walang maidudulot na mabuti ang paninigarilyo ngunit mapapansing marami pa rin
ang naeengganyong gumamit nito, at ngayon nga makikita natin sa bawat pakete ng
sigarilyo ay mayroong ng mga larawan na kung saan ipinapikita ang mga sakit na
maaari nitong maidulot.
Isa ang sigarilyo sa tinatawag na Gateway
Drugs. Maaring ito ang maging dahilan upang pasukin ng isang tao ang
paggamit ng mapanganib na droga. Ang sigarilyo ay naglalaman ng 4000 kemikal at
43 doon ang ay kilala bilang dahilan ng pagkakaroon ng cancer at 400 na toxins.
Ilan sa kemikal ay ang nicotine, tar, carbon monoxide at iba
pa.
May 505,600 kabataan at 15,570,000 na mga matatandang
Pilipino ang naninigarilyo pa rin. May mga menor de edad na gumagamit nito
kahit na may batas na ipinatupad na bawal magbenta ng sigarilyo sa mga batang
wala pa sa wastong gulang. 200 na tao rin kada araw o 71,850 kada taon ang
namamatay dahil sa sakit na konektado sa paninigarilyo. Ayon sa WHO (World
Health Organization) 5 milyong tao ang nabibiktima ng iba't-ibang
sakit taun-taon dahil sa paninigarilyo.
Hindi lamang ang taong gumagamit
ng yosi ang maaaring magkaroon ng sakit kundi pati na rin ang mga taong
nakapaligid dito. Tinatawag itong second hand smoke kung saan
ang usok ng sigarilyo ay nalalanghap ng tao. Sa paraang ito ay maaaring
magkaroon ng mas malalang sakit ang isang taong nakalanghap ng usok mula sa isa
pang taong naninigarilyo, tinatawag silang second hand smoker.
![]() |
| #SayNoToYosi! |
By: Judy Ann Santos

No comments:
Post a Comment