Thursday, October 20, 2016

#SayNoToYosi Taguig Science High School: Araling Panlipunan Pangkat Isa

           Naisipan ng grupo naming gamitin ang blog upang iparating sa inyo ang masasamang epekto ng sigarilyo sa ating kalusugan at maging sa mga taon nakapaligid sa atin. Nais naming magbigay ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa sigarilyo at sa maaaring idulot nito, maging ang mga edad kung saan kadalasang nagsisimula lalo na ang kabataan sa paggamit ng yosi.
           Ito rin ang naisip naming paraan upang kahit papaano ay mabawasan ang walang humpay na pagtaas ng demand sa sigarilyo. Ginagawa namin ito hindi para mawalan ng trabaho ang ilan sa ating mga kababayan ngunit upang ipabatid sa inyo kung gaanong kahalaga ang makontrol ang lumalaking demand ng masa sa sigarilyo, lalo na't isa itong gateway drug. 
          Umaasa ang aming grupo na kami ay inyong susuportahan. Kaya mula sa aming grupo; Judy Ann Santos, Micah Abala, Marc Cabagui, Camille Hernandez, Betsy Ribaya, John Miguel Ga, Francehska Maceda at ako, Maryle Sanchez, kami ay umaasang kasama namin kayo sa pagsigaw ng #SayNoToYosi!



By: Maryle Sanchez

CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH : Ano ang Sigarilyo?

          Alam nating lahat na walang maidudulot na mabuti ang paninigarilyo ngunit mapapansing marami pa rin ang naeengganyong gumamit nito, at ngayon nga makikita natin sa bawat pakete ng sigarilyo ay mayroong ng mga larawan na kung saan ipinapikita ang mga sakit na maaari nitong maidulot.
          Isa ang sigarilyo sa tinatawag na Gateway Drugs. Maaring ito ang maging dahilan upang pasukin ng isang tao ang paggamit ng mapanganib na droga. Ang sigarilyo ay naglalaman ng 4000 kemikal at 43 doon ang ay kilala bilang dahilan ng pagkakaroon ng cancer at 400 na toxins. Ilan sa kemikal ay ang nicotine, tar, carbon monoxide at iba pa.
           May 505,600 kabataan at 15,570,000 na mga matatandang Pilipino ang naninigarilyo pa rin. May mga menor de edad na gumagamit nito kahit na may batas na ipinatupad na bawal magbenta ng sigarilyo sa mga batang wala pa sa wastong gulang. 200 na tao rin kada araw o 71,850 kada taon ang namamatay dahil sa sakit na konektado sa paninigarilyo. Ayon sa WHO (World Health Organization) 5 milyong tao ang nabibiktima ng iba't-ibang sakit taun-taon dahil sa paninigarilyo. 

           Hindi lamang ang taong gumagamit ng yosi ang maaaring magkaroon ng sakit kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid dito. Tinatawag itong second hand smoke kung saan ang usok ng sigarilyo ay nalalanghap ng tao. Sa paraang ito ay maaaring magkaroon ng mas malalang sakit ang isang taong nakalanghap ng usok mula sa isa pang taong naninigarilyo, tinatawag silang second hand smoker.



#SayNoToYosi!
By: Judy Ann Santos

Epekto Ng Yosi Mo

Bawat oras mahigit sampung pinoy ang pinapatay ng paninigarilyo.Epekto ito ng ibat ibang klase ng lason na nakapaloob sa sigarilyo gaya ng nicotine carbon monixide,hydrogen cyanide,at iba pa.Nasa tinatayang 400 na lason ang nakapaloob dito. Isa na sa sakit na makukuha sa paninigarilyo ay ang pagkakaroon ng kanser sa baga.Mahigit 80% ng mga tao ay nagkakaroon ng lung kanser ay ang mga taong naninigarilyo.Pero hindi lamang kanser sa baga ang dinudulot ng pag yoyosi kundi kanser narin sa bibig at lalamunan kanser sa pantog,kanser sa bato kanser sa tiyan,kanser sa matris,at iba pa. Isa na ring sa sakit na idinudulot nito ay ang heart attack at iba pang sakit sa puso at mga ugat ng dugo(vascular disease).Pinapalala rin nito ang iba pang sakit gaya ng asthma. Masama rin ang panibigarilyo para sa mga babaeng buntis maaring magdulot iyon ng maagang panganganak at maging sanhi ng kanilang kamatayan.sSa mga lalaki naman ay maari silang mabaog,kawalan ng abilidad na patigasin ang ari at kanser sa ari. Nakakapag sanhi rinn ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng badbreathe o mabahong hininga at madilaw na ngipin. Kahit na ika'y naninigarilyo ay damay pati pamilya mo di porket naninigarilyo ka ay wala na agad epekto ito sa pamilya mo kung nalalanghap nila ang usok na galing sa iyong yosi maari silang maapektuhan, tinatawag nila itong "second-hand smoke" na maaring magdulot ng malalang ubo at maaaring magkaroon ng anak na may hika.Nakakasanhi rin ito ng kanser,pulmonya,impeksyon sa tenga,nga problema sa paghinga at marami pang iba. Maari rin itong magkaron ng masamang epekto sa mga kabataan dahil sa mga masasamang dulot nito at dahil nga ang sigarilyo o paninigarilyo ay nakakaadik at nakakatulong ito upang panandaliang makalimutan ang problema na iyong daladala o pagiwas sa nadadamang stress o sakit. Iyan ang mga masasamang epekto ng sagarilyo......Now you know....Ano pa ang hinihintay?Tigilan ang paninigatilyo sa lalong madaling panahon! #SayNoToYosi



#SayNoToYosi

#SayNoToYosi

#SayNoToYosi

#SayNoToYosi Mini-Survey


Nagsagawa ang aming grupo ng isang survey upang malaman ang mga dahilan ng paninigarilyo ng
isang tao at kung ano ang epektong naidudulot nito. Ito ang isa sa kanila:

Habang nagsasagawa ng survey si Betsy Ribaya sa kanyang amang si Roberto Ribaya

Pangalan: Roberto Ribaya
Edad: 63 yrs. old
Trabaho: Retired Phil. Navy 


Narito ang aking mga itinanong at ang kanyang kasagutan:


  • Kailan nagsimulang manigarilyo
"Nagsimula akong manigarilyo noong 3rd year high school ako."

  • Anong dahilan ng paninigarilyo?
"Nakakatulong ito para mabawasan ang stress ko." 
  • Epekto sa katawan ng paninigarilyo?
"Madalas nanghihina ako at napapansin ko ring humihina ang resistensya ko pero bukod doon ay wala pa namang malalang komplikasyon ang nararamdaman ko."

Ilan lamang yan sa mga taong aming na-interview gamit ang parehong mga tanong. Naka-relate ka ba sa kanya? Ikaw, anong sagot mo sa mga tanong na nasa itaas? Handa ka rin bang isugal ang kalusugan mo para sa isang stick ng sigarilyo? #SayNoToYosi

By: Betsy Ribaya